-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na nagpapalit sa pangalan ng probinsya ng Compostella Valley.

Sa Republic Act No. 11297, magigiing Davao De Oro na ang pangalan ng probinsya.

Pero batay rin sa batas, kailangang sumailalim ito sa plebisoto kung saan mayorya dapat ng mga rehistradong botante ay papabor sa pagpapalit ng pangalan ng probinsya.

Ang Commission on Elections (COMELEC) ang mangangasiwa ng plebisito.

Una nang sinabi ni re-electionist Sen. Sonny Angara na nag-sponsor ng panukalang batas sa Senado na bagay ang Davao de Oro na pangalan dahil dito raw mahahanap ang pinakamalaking gold deposits sa buong bansa.

Mas makakahikayat rin daw ng investors ang bagong pangalan.

Nakatakdang maging epektibo ang batas 15 araw matapos ang official publication sa mga pangunahing pahayagan.