-- Advertisements --

Isinailalim sa lockdown ang isang compound ng Quezon City matapos nakapagtala ito ng 11 bagong kaso ng COVID-19 bunsod ng isang birthday party.

Isa umanong kawani ng gobyerno na positibo sa COVID-19 na dumalo sa nasabing party ang siyang dahilan kung bakit nahawaan ang kaniyang pamilya at mga kaibigan sa isang compound ng Tandang Sora district.

QC quarantine site tent evacuees COVID people

Base sa report, nasa 81 ang suspected contacts sa nasabing party kung saan 44 lang sa mga ito ang isinailalim sa swab test at 10 ang nagpositibo.

Kasalukuyang hinihintay naman ang resulta ng iba pang isinailalim sa swab testing.

Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kaniyang mga mamamayan na maging responsable sa kanilang mga kilos at hakbang nitong panahon ng holiday season. (with report from Bombo Jane Buna)