Binigyang-diin ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na dapat gawin ang compromised version para sa minimal annulment fee kung hindi papayag ang Senado sa bersyon ng House of divorce bill.
Ito ang naging tugon ni Garin nang tanungin kaugnay sa isinagawang survey sa Senado kung saan anim na senador ang bumotong pabor sa divorce bill habang limang senador ang bumoto laban dito.
Si Garin ay kabilang sa mga mambabatas na bumoto ng ‘yes’ sa House Bill (HB) 9349, o ang panukalang Absolute Divorce Act.
Inaprubahan na ng House of Representatives ang nasabing panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa na may 131 affirmative votes, 109 negative votes, at 20 abstentions.
Ang HB 9349 ay naglalayong magbigay ng absolute divorce bilang isang legal remedy para “irreparably broken marriages.”
Samantala, inihayag ni Garin na iginagalang niya ang opinyon ng ibang mambabatas hinggil sa divorce bill.
Ang Pilipinas at Vatican City lamang ang mga bansang walang divorce law.