Kumpiyansa ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na maibabalik na nila sa normal operations ang kanilang website ngayong araw.
Kasunod ito sa pagkakabiktima nila ng isang uri ng ransomware na tinatawag na Medusa.
Humihingi umano ang mga hackers ng $300,000 ransom para sa maibalik ang nasabing mga data.
Naapektuhan sa nasabing hacking ay ang Health Care Institution (HCI) and member portal, at e-claims.
Pagtitiyak naman nila na walang nakumpromisong mga personal information at medical information ng mga miyembro.
Patuloy na iniimbestigahan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT), National Privacy Commission (NPC), cybercrime units ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang nasabing insidente.