-- Advertisements --
Hinikayat ng gobyerno ang mga empleyado ng pribadong kompaniya na magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang local government unit.
Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion huwag sayangin ang pagkakataon kapag ang isang empleyado ay qualified na makatanggap ng bakuna.
Paglilinaw naman nito na hindi masasayang ang mga biniling bakuna ng mga private companies dahil sa ito ay maaaring i-donate sa mga kaanak ng isang empleyado.
Inaasahan kasi na sa Hunyo pa darating ang mga bakuna na binili ng mga private sektor mula sa kompaniyang AstraZeneca.