-- Advertisements --

Muling nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Maria “Joey” Concepcion III na dapat palawigin ang paggalaw ng mga fully vaccinated na Filipino.

Kasunod ito sa pahayag ng grupo ng mga airline companies na baka bumagsak ang kanilang industriya dahil sa paghigpit ng travel restrictions.

Dagdag pa ni Concepcion na nilapitan siya mismo ng nasabing grupo at humiling sa gobyerno para hindi tulyang bumagsak ang aviation industry.

Mahalaga aniya ang pagpapaluwag sa mga fully vaccinated na individuals para makabawi man lamang aniya sa ilang bilyong lugi noong magsimula ang pandemiya.