-- Advertisements --

Nilinaw ng concert organizer ng boyband group na 98 Degrees na ipinagpaliban lamang ang kanilang concert at hindi kinansela.

Ayon sa Big Hit Event, na dahil sa banta pa rin ng coronavirus pandemic ay minabuti nilang ipagpaliban ito.

Kahit aniya na gusto nila itong matuloy ay minarapat nilang ipagpaliban ito para na rin sa kaligtasan ng mga manonood at mga empleyado nila.

Nanawagan lamang sila na hintayin na lamang ang kanilang anunsiyo sa bagong petsa ng concert.

Nakatakda sanang ganapin sa May 16, 21, at 23 ang concert ng sikat na 90’s boy band.