-- Advertisements --
Kinansela na ang British band na 1975 ang kanilang concert sa Indonesia nitong araw ng Linggo.
Ito ay matapos na putulin ng Malaysian government kanilang concert dahil sa same-sex kiss at pagkontra nila sa ipinapatupad na anti-LGBTQ laws ng kanilang frontman.
Sa Indonesia ay hindi gaanong istrikto ang batas sa LGBTQ kumpara sa ilang mga kalapit na bansa gaya ng Malaysia kung saan ang pagiging homosexuality ay isang krimen.
Magugunitang nitong Biyernes ay itinigil ng gobyerno ng Malaysia ang “Good Vibes” music festival sa Kuala Lumpur, matapos ang pahayag ng kanilang frontman na si Matt Healy at halikan ang bassist nila na si Ross MacDonald.