-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng K-pop group na BTS ang kanilang concert.

Ayon sa kanilang record label na Big Hit Music na hindi na itutuloy ng grupo ang kanilang “Map of the World Tour”.

Sinabi nila na hindi nila kontrolado ang sitwasyon kaya minabuti nila itong kanselahin.

Ang nasabing concert ay magsisimula sana noon pang Abril 2020 subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi na nila ito itinuloy.

Sinabi na lamang ng grupo na magsasagawa na lamang sila ng mga virtual concerts sa mga susunod na araw.