-- Advertisements --

Kinansela ng American rock singer Bruce Springsteen ang dalawa nitong concert matapos na ito ay magkasakit.

Sa kaniyang social media account ay inunsiyo niya na hindi matutuloy ang kaniyang 2-day concert kasama ang E Street Band sa Citizens Bank Park sa Philadelphia.

Inaayos na ng kaniyang kampo ang bagong schedule ng nasabing concert.

Humingi ito ng paumanhin sa mga fans dahil sa nasabing pagkansela ng concert.

Magugunitang nitong Mayo ay bigla na lamang natumba sa stage ang “Born in the USA” singer habang tumutugtog sa Amsterdam.

Mabilis naman ito ng nakatayo sa kaniyang pagkakadapa sa hagdan ng stage at itinuloy ang concert.