-- Advertisements --
Iniurong sa 2022 ang inaabangang concert sa bansa ng Canadian-French singer na si Avril Lavigne.
Ayon sa organizer na Wilbros Live na inilipat na sa May 2, 2022 ang concert ng singer na ang orihinal na petsa ay sa May 20, 2021 sa Araneta Coliseum.
Pinayuhan din nila ang may hawak ng ticket na maaari pa nila itong gamitin sa bagong petsa ng concert.
Nauna ng inanunsiyo ni Lavigne na kanselado lahat ng kaniyang Asian concert dahil sa pangamba pa rin ng COVID-19.