-- Advertisements --
elish
Billie Eilish

Tuluyan ng ipinagpaliban ni Billie Eilish ang kaniyang “Where Do We Go?” world tour ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang social media account, isinagawa ng pop star ang nasabing anunsiyo.

Mahalaga aniya ang kalusugan at kaligtasan ng mga fans kaya minabuti na lamang nilang itong kanselahin.

Iaanunsiyo naman sa mga susunod na mga araw ang bagong petsa ng kaniyang gagawing world tour.