Hindi na tinapos ni Elton John ang kaniyang concert sa Auckland, New Zealand dahil sa sakit nito.
Inanunsiyo kasi ng 72-anyos na singer sa concert na kaya hindi natapos ang concert nito dahil sa sakit nitong walking pneumonia.
Sa kanilang social media account humingi ito ng paumanhin sa kaniyang mga fans.
Pinasalamatan din niya ang mga ito dahil sa ipinakitang suporta sa kaniyang concert.
Pinilit niyang kumanta subalit dahi sa kaniyang sakit ay hindi na ito nakakanta at nawalan din ng boses.
“I was diagnosed with walking pneumonia earlier today, but I was determined to give you the best show humanly possible. I played and sang my heart out, until my voice could sing no more. I’m disappointed, deeply upset and sorry. I gave it all I had,” ani Sir Elton sa kanyang social media account.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang “walking pneumonia” ay mula sa Mycoplasma pneumoaie bacteria na isang seryosong lung infections.
Kasalukuyan kasing nagsasagawa ito ng final world tour sa kanyang “Farewell Yellow Brick Road” na may dalawa pang concert ito bago ito magtungo sa Australia.
Taong 2017 ng ibunyag nito na ito ay nagpapagaling sa delikadong infection na kaniyang nakuha mula sa South America tour kung saan nanatili pa ito ng dalawang araw sa intensive care unit.