-- Advertisements --

Hinigpitan ng concert organizers ni Taylor Swift ang pagbibigay ng seguridad sa pagtatanghal nito sa Wembley Stadium sa London.

Kasunod ito sa pagkansela ng tatlong araw na concert nito sa Austria dahil sa banta ng terorismo.

Magsasagawa kasi ito ng limang araw na concert sa London kung ang mga ito ay sold out.

Ang concert nito sa London ay siyang huling pagtatanghal ng Eras Tour European leg.

Ilan sa mga ginawang paghihigpit ngayon ay pinagbawalan ang mga fans na walang tickets na tumambay lamang sa lugar.

Lahat ng mga sasakyan rin ay kanilang mahigpit na idinadaan na sa masusing inspeksyon.