-- Advertisements --

Kinansela ng award-winning singer na si Bryan Adams ang kaniyang konsiyerto sa Australia dahil sa problema sa pagkabara ng malaking imburnal.

Nakatakda sanang tumug-tog ang Grammy Award winning singer sa RAC Arena sa Perth subalit inabisuhan ito ng water corporation ng lungsod.

Base sa abiso na apektado ang mga palikuran ng venue na magdudulot ito ng pagkabara.

Galing sa mga natuyong mantika, grasa at mga pamunas ang sahi ng pagbara ng pangunahing imburnal sa lugar.

Humingi na lamang ng paumanhin ang singer sa mga fans at nangako itong ire-reschedule.

Handa rin ang concert promoter na irefund ang pera ng mga nakabili na ng tickets.