-- Advertisements --
Coldplay
Coldplay/ IG post

Nagdesisyon ang British band na Coldplay na hindi muna sila magsasagawa ng mga concert tours.

Ayon sa kanilang lead vocalist na si Chris Martin, na titigil muna sila na magsagawa dahil sa environmental impact.

Nais nito na kapag magsasagawa na sila ng concert ay wala ng gagamit ng tinatawag na single-use plastic.

Mas mainam aniya na isagawa ang concert gamit ang solar-powered na mga ilaw.

Nakatakda namang ilabas ang kanlang bagong album na “Everyday Life” sa Amman Jordan.