-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Sa susunod na taon na itutuloy ang mga concerts at shows sa Amerika ng mga Pinoy singers.
Ayon kay Joel Damarillo Sebag, kilalang pianista at halos 24 taon nang naninirahan sa Arkansas, USA na kasama siya sa mga iniimbitahang mag-perform kapag may mga shows ang mga Pinoy singers sa US kagaya nina Martin Nievera, Marcelito Pomoy at maraming iba pa.
Sinabi nito na bilang pagtalima sa emergency safety precautions dala ng COVID-19 pandemic dahilan na kinansela ang mga naka-schedule na concerts.
Inihalimbawa nito ang pag-reschedule sa 2021 ng concert tour ni Marcelito na may titulong ‘The Voices of Marcelito’ sa buong US kasama ang Hawaii na nakatakda sana noong July, September at ngayong October.