Nakatakdang ipatayo ang condo type units na rent to own sa San Juan city bilang parte ng programang pabahay ng Marcos administration para sa mga homeless ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.
Ayon sa kalihim, ipapatayo ang kabuuang 549 residential units na may average size na 28 square meters bawat units sa 2,624 square meter property.
Sa ilalim ng rent-to own scheme, sinabi ni Sec. Abalos na pagkakalooban ang mga benepisyaryo ng flexible term na 25 hanggang 30 taon para mabayaran ang kanilang residential units.
Una rito, binisita nina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Acuzar at Sec. Abalos ang site na pagtatayuan ng naturang proyekto kahapon, Enero 15 at nagsagawa ng ocular inspection.
Inihayag naman ni Sec. Abalos na ito na ang simula ng tuluy-tuloy na pagsisikap ng pamahalaan para mabigyan ng disenteng matitirhan ang mga homeless hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa buong Pilipinas.