DAVAO CITY – Pinipilahan din ang isang community pantry sa lungsod ng Davao na inorganisa ng LGBT community.
Ito ay dahil hindi lamang mga pagkain ang makukuha rito kung hindi pati na rin mga contraceptives kagaya ng condom, pills at lubricants.
Inihayag ni Regie Manginsay, deputy coordinator for transgender, LGBT Davao City Coalition na maliban sa problema sa pagkain dapat ding bigyang pansin ang mataas na kaso ng teenage pregnancy ngayong panahon ng pandemya.
Ang naturang pantry ay matatagpuan sa Purok 9, Barangay 76-A Bucana, lungsod ng Davao.
Inihayag ni Manginsay na maliban sa mga donasyon, tumatanggap din ang kanilang grupo ng mga empty plastic bottles at ipa pang mga pwedeng maibenta dahil ang kanilang malilikom na salapi ay kanila rin umanong ipambibili ng karagdagang pagkain at mga contraceptives.