Inaprubahan na ng House of Representatives sa third and final reading ang panukalang para sa redevelopment of condominiums kung saan inaamyendahan ang Republic Act (RA) No. 4726, bilang “The Condominium Act”.
Sa botong 188 ang affimative at walang objection, lusot na sa third and final reading ang House Bill (HB) No. 10173, kilala din bilang Condominium Redevelopment Act.
Ang nasabing panukala na substitution sa HB No. 7618 ay inihain ni San Jose del Monte City lone district Rep. Florida “Rida” Robes.
Layon ng panukala na magtatag ng mga Iivable communilies na nagbibigay ng equitable, inclusive, at resilient opportunities para mapabuti pa ang kapakanan ng mga tao.
“This is meant to ensure the safety and integrity of existing and future condominium developments to protect the public against hazards of aged buildings that pose threats to the owners and the general public,” pahayag ni Speaker Martin Romualdez.
Ang HB No. 10173 ay nagtatatag ng mga panuntunan para sa wastong pagpapanatili, pagkukumpuni, muling pagtatayo, at muling pagpapaunlad ng mga proyekto ng condominium.
“It ensures that the property rights of unit owners are respected while addressing the needs of the community and improving the overall quality of life of Flipinos,” noted Speaker Romualdez.
Ang nasabing panukalang batas, ay nagmula sa House Committee on Housing and Urban Development, ay nagbibigay ng pahintulot na ang mga developer at kanilang mga ahente ay maaaring payagang makapasok sa isang unit sa panahon ng mga emergency na sitwasyon kung saan may panganib sa buhay o ari-arian, o para sa mga layunin ng pagpapanatili na may kaugnayan sa mga karaniwang lugar.
Bilang bahagi ng mga pangunahing probisyon nito, binabawasan nito ang kinakailangan sa pagboto para sa pagbuwag ng isang condominium corporation mula 70 porsiyento tungo sa isang simpleng mayorya para sa mga proyektong kinondena o na-expropriate o mga proyektong hindi na mabubuhay.