-- Advertisements --

Wala umanong aaksayahing panahon si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone para sa preparasyon ng koponan ng bansa para sa paparating na 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Kahapon nang italaga si Cone ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang pansamantalang head mentor ng Philippine team, na lalahok sa regional sports meet.

Ayon kay Cone, sa mga susunod na araw ay makikipagpulong ito sa mga SBP officials upang plantsahin ang paghahanda ng koponan para sa SEA Games sa Nobyembre.

“I will sit down with the SBP over the next couple of days and come up with a plan of attack in terms of preparation, and we’re hoping by the end of the week we’ll have a pool of players working together at full force,” wika ni Cone.

“I’m extremely excited to get going,” dagdag nito.

Kahit na panandalian lamang ang kanyang termino bilang coach ng Gilas, kanya raw ikinararangal ang pagkakapili sa kanya ng SBP.

“Even though my appointment is just a stopgap measure and a short-term commitment, I am incredibly honored and proud to be selected to coach in the SEA Games,” ani Cone.

Noong 1998 nang pamunuan nito ang Pilipinas patungo sa bronze-medal finish sa Asian Games.