-- Advertisements --
“Painful” kung ilarawan ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kanilang pagkatalo sa Brazil na may iskor na 71-60 sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia.
Inamin ni Cone na ang pagkawala ni Kai Sotto ay isang dahilan din sa crucial match.
Aniya, ayaw nilang magdahilan ngunit malaking factor ang pagkawala ng presenya ni Kai sa laro.
Isinugod sa ospital si Sotto matapos matalo laban sa Georgia. Nasa bench lamang si Sotto sa kanilang game kontra Brazil at hindi sinabak sa laro.
Gayunpaman, sinabi ni Cone, na ang kanilang game laban sa Brazil ay hindi naging sapat.