-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone si Japeth Aguilar.

Kasunod ito sa mga batikos na laban sa kaniya noong sila ay talunin ng Brazil sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Sinabi ni Cone na siya lamang ang nagpilit na sumali si Japeth noong Pebrero.

Nais kasi ni Aguilar na ipaubaya na lamang ito sa mga batang manlalaro.

Ibinunyag pa nito na nagretiro na si Aguilar sa Gilas duties niya dahil nais niyang tutukan ang kaniyang pamilya.

Matapos na nagkaroon ng injury si AJ Edu ay napilit siya ni Cone na sumali para sa FIBA OQT.

Magugunitang kasama ni Aguilar si Mason Amos na idinagdag sa Gilas bilang reserve dahil sa injury nina Jamie Malonzo at Edu.