Ipinaliwanag ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang hindi pagkuha niya sa ilang mga amateur na manlalaro at mga bagitong player ng PBA para isabak sa 30th Southeast Asian Games.
Sinabi ni Cone na kulang ang kanilang oras para mag-ensayo kaya mas minabuti na lamang na mga datihan at karamihan ay mga manlalaro niya sa kaniyang koponang Ginebra.
Ilan sa mga hindi napasama ay sina Bobby Ray Parks, Robert Bolick, CJ Perez at Terrence Romeo kung saan sinabi nito na may panahon na nakalaan para sa kanila.
Ayaw din nito maistorbo ang paglalaro ng mga amateurs sa nagpapatuloy na UAAP at NCAA.
Magugunitang inanunsyo ni Cone at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na isasama sa Gilas team ang core players ng Gin Kings na sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Art dela Cruz, Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario ng TNT; June Mar Fajardo, Christian Standhardinger; Chris Ross at Marcio Lassiter ng San Miguel; Matthew Wright ng Phoenix; at