Nanumbalik kay Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang alaala nito noong 1998 Bangkok Asian Games kasabay nang isagawa ang unang practice session sa bagong koponan.
Matapos ang isinagawang kauna-unahang pagkikita ng national players sa Meralco gym nitong Lunes ng gabi bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games, hindi maitatanggi na nanunumbalik ang alaala nito noong ito ay unang sumabak bilang national coach din, taong 1998.
Sa kaniyang unang pagsabak bilang national coach ay nahawakan niya ang mga beteranong basketbolista na sina Alvin Patrimonio, Johnny Abarrientos, Vergel Meneses, Allan Caidic, Marlou Aquino, Kenneth Duremdes, Olsen Racela at iba pa.
Sa ginanap na initial practice, inaral din nilang mabuti ang mga kahinaan at kalakasan ng bawat manlalaro ng national team.
Mayroon pang siyam na practices ang isasagawa ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na araw.