Tiniyak ng Office of the Solicitor General (OSG) na gumagawa na ito ng hakbang upang siguruhin na mananatiling ligtas ang mga confidential files nito mula sa online breach.
Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na ginagawa na nito ang lahat ng paraan upang maprotektahan ang mga confidential at sensitive information na nilalaman ng mga submissions nito sa mga korte.
Ginawa ang pahayag na ito matapos isiwalat n London-based cyber security firm na TurgenSec na may nakita itong online breach sa sistema ng OSG kaya’t kaagad itong ipinaalam ng kumpanysa sa nasabing ahensya.
Ayon sa TurgenSec, isa sa mga papel nito ay maging legal defender ng Pilipinas kung kaya’t makasisiguro umano ang bansa na ang mga ganitong uri ng krimen laban sa data privacy ay walang puwang sa bansa. Ang sinumang mapatutunayan na sangkot dito ay papatawan ng karampatang parusa.
Sa isang pahayag ng nasbaing kumpanya noong Abril 30, nakasaad na kaagad ipinaalam ng Turgensec sa OSG at gobyerno ng Pilipinas ang tungkol sa breach sa pamamagitan ng ipinadalang email noong Marso 1 at 24.
Ang breach anila ay sinubukang pasukin at idownload ng hindi kilalang third party.
Nabatid din na halos 300,000 files at documents ang muntikan nang mapasok at manakaw ng sinuman.
Karamihan ng mga dokumentong ito ay makikita ang day to day running ng ‘The Solicitor General of the Philippines’, staff training documents, internal passwords at policies, staffing payment information, financial processes, at iba pang aktibidad tulad ng audit, at daan-daan pang files na may mga keywords na ‘Private, Confidential, Witness and Password.’
Nag-alala umano ang OSG na basta na lang mapasok o makita ang mga naturang dokumento dahil may posibilidad umano na magulo o makompromiso ang anumang on-going judicial proceedings.
Subalit ayon sa OSG nabigo umano ang TurgenSec na alamin kung may nakapasok na o nakapag-download ng umano’y leaked data.