-- Advertisements --

Napupunta sa kanilang mga trabaho ang nakalaang confidential fund ng Department of Justice.

Sinabi ni DOJ Sec. Jesus Remulla, na malaki ang tulong sa kanilang opisina ang nasabing pondo para labanan ang iba’t-ibang krimen sa bansa.

Pagtitiyak niya nababantayan ang nasabing paggamit ng pondo para hindi ito masayang.

Tuloy-tuloy din ang kanilang ginagawang pagbabantay sa iba’t-ibang nagaganap na krimen.