-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Hindi dapat ibigay ang request ng Department of Education na P450 million confidential fund.

Ito ang naging pahayag ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas tungkol sa intelligence and confidential funds na ni-request ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.

Ayon kay Brosas, “very specific” ang naturang confidential funds at iba pa ito sa intelligence fund na hinihingi ng bise presidente.

May mga guidelines at provisions umano na sinusunod kung saan pwede lang ito gamitin kapag “expressly provided for by the general appropriations act” o batas na ipinasa kung may budget.

Nabatid na sa 2024, may P450 million confidential fund request ito para sa DepEd; at P500 million confidential fund naman para sa Office of the Vice President (OVP).