-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Pumalo na sa mahigit 6,000 ang Confirmed COVID 19 cases sa Region matapos naidagdag ang 17 na bagong kaso sa nasabing deadly virus.

Batay sa ulat ng DOH-Center for Health Development Soccsksargen Region na 11 ang bagong nakarekober at isa ang naidagdag sa bilang ng mga nasawi kung saan residente ito sa Tupi, South Cotabato.

Sa 17 na bagong kaso, ang 12 nito ay taga GenSan, dalawa sa Sultan Kudarat at South Cotabato at isa ang residente sa Cotabato Province.

Dahil dito umabot na sa 2,150 ang kaso sa COVID 19 sa GenSan, 77 ang active cases at 84 ang patay.

Sa South Cotabato may 1,711 kaso sa COVID 19, kung saan 66 ang active cases at 49 ang patay.

Sa Cotabato may 938 kaso, 34 ang active cases at 41 ang patay.

Ang Sultan Kudarat ay may 609 kaso, 21 ang active cases at 17 ang patay.

Ang Sarangani ang may 599 kaso, 25 ang active cases at 18 ang patay.

Habang nasa kabuuang 6,007 ang COVID-19 confirmed cases sa Region 12 kung saan 223 (3.71%) ang active cases, 5,563 (92.61%) ang recoveries at 219 (3.65%) ang COVID-19 related deaths.