-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na grupo ng foreign illegal drug syndicate ang nasa likod pagpuslit ng limang kilo ng suspected shabu na unang nakompiska ng state joint security at operation sector sa Barangay Matalin,Malabang,Lanao del Sur nitong linggo lamang.

Kaugnay ito pagkasampa na ng kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspected high value target na si Zacaria Jaji Nandang alias Dats sa piskalya.

Sinabi ni PDEA-Bangasamoro Autonomous Region regional director Gil Cesario Castro na maaring idinaan ng mga sindikato ang pagpalusot ng ilegal na droga sa pamamagitan ng himpapawid o kaya’y karagatan bago naibahagi ng kilo-kilo sa mga tauhan nito kung saan isa ang Mindanao na pinagbagsakan.

Inihayag ni Castro na mag-ilang taon na rin na wala ng shabu laboratories na pinatakbo ng mga sindikato sa saan man na bahagi ng bansa kaya buo ang kanilang paniniwala na mula sa suspected narco-countries ang mga kontrabando.

Bagamat Chinese tea bags ang pinaglagyan ng mga konpiskadong ilegal na droga subalit hindi pa maidugtong ang hawak nila na mga ebedensiya na nagmula ito sa bansang China.

Magugunitang ilang linggo ang intelligence monitoring ng joint security,intelligence and operation teams sa mga galaw ni Nandang bago nakuha ang tinatayang 34 milyong piso na suspected shabu sa Lanao Sur noong Abril 8 ng hapon.