BUTUAN CITY – Mino-mobilize na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Caraga ang pagpapadala ng ayuda gaya ng mga relief goods sa kanilang mga kasamahan at sa mga mamamayan na na-apektuhan ng bagyo.
Sa eksklusibong papanayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Regional Executive Dir. Red Nonito Tamayo na tatlo sa kanilang mga tanggapan sa Surigao del Norte ang totally damaged at kasama sa mga ito ay nasa Siargao Island at Dinagat Islands province.
Sa kabila nito ay nagpapasalamat pa rin siya dahil wala silang mga personahe na namatay o kaya’y nasugatan sa paghagupit ni Odette.
Magpapadala rin sila ng mga confiscated lumber at logs para may magagamit sa re-construction effort kung kaya’t kanila nang ina-account ang lahat ng confiscated products sa buong Caraga region upang maihatid sa mga munisipalidad nga naapektuhan sa bagyo.