-- Advertisements --

NAGA CITY – Pormal nang inendorso sa publiko ni Vice President Leni Robredo si 3rd District Representative Gabby Bordado bilang opisyal na kandidato na tatakbo sa distrito sa darating na 2022 election.

Sa pagharap ni Bordado sa mga kagawad ng media, sinabi nito na malaki ang kaniyang pasasalamat sa bise presidente dahil sa suportang ibinibigay nito sa kaniya.

Pangako naman ni Bordado, na habang nasa loob pa ng politika si Robredo, hindi umano nito pababayaan ang bise presidente.

Samantala, masaya naman ang kongresista nang magpalabas ng desisyon ang korte suprema na nanalo si VP Leni laban sa electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Ayon kay Bordado, matagal na umano itong naniniwala na wala nang panalo pa si Marcos sa naturang protesta gaya ng pahayag ng kampo ng bise presidente na dapat nang ibasura ang protesta dalawang taon na ang nakakalipas dahil wala naman umanong ebidensiya ang dating senador kaugnay ng akusasyon ng umano’y dayaan sa nakaraang election.