-- Advertisements --

Muling inulit ni Independent Minority at Albay 1st District Representative Edcel Lagman ang kaniyang panawagan sa Kongreso na maging maingat at pairalin ang pagtitipid sa paglalaan ng mga pondo sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno.

Sinabi ni Lagman, ang 2023 national budget ay dapat malinisan ng hindi kailangan at labis na confidential at intelligence funds na umaabot sa P9.29 billion na naka-embed sa iba’t ibang opisina, ahensya, at departamento.

Ayon sa beteranong mambabatas, ang kabuuang halagang ito ay higit na mas malaki kaysa sa pondo na inilaan sa maraming mga tanggapan ng mga government offices and departments, kabilang ang mga constitutional commissions and offices.

Binigyang-diin ni Lagman walang maaring pwede ma i-justify sa P500 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at P150 million sa Department of Education (DepEd), parehong nasa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Lagman na ang OVP ay hindi isang surveillance agency at walang hurisdiksyon sa mga usapin ng pambansang seguridad.

Ayon pa sa mambabatas, ang paggamit ng confidential at intelligence funds ay nababalot ng misteryo at ang dapat na pag-audit ng Commission on Audit (COA) ay hindi naman maibunyag sa Kongreso at sa publiko.

Aniya, ang mga pondong ito ay nagbubunga ng katiwalian, at kung mas malaki ang pondo, mas malaki. ang magnitude ay para sa posibilidad ng graft.