-- Advertisements --

Bumisita na rin si Davao City Rep. Paolo Duterte kay dating Pang. Rodrigo Duterte na kasalukuyang naka-detene sa detention facility ng International Criminal Court.

Pagkatapos makausap ang kaniyang nakadeteneng ama, kinausap din niya ang mga suporter ng dating pangulo na at ipina-abot ang aniya’y pasasalamat ng dating pangulo sa tuloy-tuloy na pagsuporta sa kaniya.

Ayon pa sa kongresista, mas nagmukhang alkalde ngayon ang dating pangulo dahil mas naaalagaan umano siya ng maayos habang nasa loob ng detention cell.

Kung babalikan ay ginawaran ng Kamara de Representantes ng travel clearance ang kongresista para makabiyahe sa 16 na bansa, kasama na ang Hong Kong, isang administrative region ng China.

Kinabibilangan ito ng People’s Republic of China, Malaysia, Indonesia, Republic of Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, United States of America, Australia, United Kingdom, Netherlands, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.

Una na ring bumisita sa Netherlands si VP Sara Duterte, ilang araw lamang mula noong maaresto ang kanilang ama noong Marso-11.