-- Advertisements --
Inamin daw ni Congressman Paolo “Pulong” Duterte kay Vice President Sara Duterte na nahihiya na ito na miyembro siya ng 19th Congress.
Sinabi ito ng bise kasunod ng pahayag niya na nahihiya rin siya para sa Pilipinas dahil sa kasalukuyang nangyayare ngayon sa House of Representatives.
Partikular na ang pag-cite in contempt ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro sa OVP chief-of-staff na si Atty. Zuleika Lopez
Ayon kay Duterte, nakakahiya na isang convicted ng child abuse of IP children ang nag pa-detain sa isang IP lawyer.
Ihinalimbawa ng pangalawang pangulo na sa ibang bansa, kapag convicted ng Child abuse ay hindi tinatanggap sa trabaho pero dito raw sa Pilipinas ay binibigyan pa ng kapangyarihan.