-- Advertisements --

Dismayado si House Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez hinggil sa ginawang pagbawi ng senado sa kaniya sanang pagdalo sa pagdinig ng Senado sa panukalang Charter Change.

Layong amyendahan ng panukala ang economic provisions sa 1987 Constitution.

Sinimulan na kasi ngayong araw ng Senado sa pangunguna ni Sen. Robinhood Padilla ang pagdinig ukol sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas.

Ang tinutukoy ni Rodriguez ay ang Resolution of Both Houses No.6 na nagpapatawag ng constitutional convention.

Ayon sa beteranong mambabatas, hindi nagbigay ng paliwanag ang komite ni Sen. Padilla kung bakit kinansela ang kaniyang presensiya sa pagdinig.

Umapela naman si Rodriguez sa iba pang mga senador na dinggin nila ang isinusulong ng mga House members.

“I am disappointed, After inviting me last March 14, I received last night a notice of cancellation from the Senate committee on constitutional amendments and revision of codes. I was already prepared go to the Senate today at 10am to present to the senators the basis of our RBH 6 and HB 7352 which were all data-driven, evidence-based and future-proof,” pahayag ni Rep. Rodriguez.