-- Advertisements --

teves 3

Matapos hindi sumipot “physically” sa Kamara, matapos ang limang araw na palugit.

Muling binigyan ng ultimatum na 24-oras ng House Committee on Ethics and Privileges si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves.

Hindi rin pinayagan ng Komite na dumalo ang mambabatas sa pamamagitan ng video conferencing sa pagdinig ng Komite.

Sa panayam kay Ethics Committee chair at COOP-NATCO Partylist Rep. Felimon Espares, kaniyang sinabi na binigyan nila si Teves ng pagkakataon na dumalo physically sa pagdinig ng komite.

Batay sa pulong ng Ethics panel, kanilang naaprubahan na bibigyan nila ng isa pang pagkakataon si Teves na mag report sa Kamara para personal na magpaliwanag kaugnay sa kaniyang unauthorize na travel authority.

Bukas, Martes March 21,2023,nakatakda muling magpulong ang Komite bandang alas-4:00 ng hapon.

Sa ngayon tumanggi muna si Espares na magsabi kung ano ang magiging susunod na action Komite sa kaso ni Teves at sa sandaling hindi mag report si Cong Teves matapos ang 24 oras na palugit dito na gagawa ng appropriate action ang komite.

Sinabi ni Espares na posibleng ang magiging aksiyon ng komite ay ang non appearance ng mambabatas.

Sa ngayon walang ideya ang kamara kung nasaang bansa ngayon si Teves.

Inabot naman ng dalawang oras ang pagdinig ng komite kung saan maraming mga mahahalagang punto ang natalakay kahit hindi nakadalo si Teves.

Bukas kapag hindi makadalo si Cong. Teves magkakaroon na ng desisyon ang komite.

Tumanggi naman mag komento si Espares kung hahantong sa pagpapatalsik sa pwesto ang kaso ni Teves.

Una ng inihayag ni Speaker Romualdez na kaniyang hintayin ang magiging rekumendasyon ng komite hinggil sa kaso ni Teves.

Ang paliwanag ni Teves sa Kamara sa hindi niya pagbabalik sa bansa ay dahil sa takot sa kaniyang buhay.

Samantala, kinumpirma ng legal counsel ni Teves si Atty. Ferdinancd Topacio na hindi inaprubahan ni Speaker Romualdez ang dalawang buwang leave of absence ni Teves.

Sa kabilang dako, humirit si Teves sa liderato ng Kamara na makapag-privilege speech sa sesyon ngayong araw.

Sa isang sulat mula sa kampo ng mambabatas, na ang hiling ni Teves ay naka-address kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, na siyang chairman ng House Committee on Rules.

Nakasaad dito na ang privilege speech na gusto ni Teves ay sa pamamagitan ng “Zoom.”

Gayunman, nagtapos ang sesyon dakong 5:36 ng hapon, ay hindi nakapag-talumpati si Teves.