-- Advertisements --

NAGA CITY- Kaabang-abang parin sa ngayon kung sino ang maipoproklamang gobernador ng Commission on Election (Comelec) sa lalawigan ng Camarines Sur.

Hanggang sa ngayon kasi, wala pa rin naipoproklamang gobernador sa lalawigan dahil gitgitan parin ang laban sa pagitan ni incumbent Governor Migz Villafuerte at 1st District Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr.

Sa ngayon kasi mahigit 5,000 boto ang lamang ni Villafuerte kay Andaya.

Kinumpirma rin ni Atty. Atty Alberto Cañares, Comelec-CamSur Supervisor na ilang prisinto sa pitong bayan sa lalawigan ang kinakailangang ipadala muna sa Comelec Regional Office ang mga SD cards matapos magkaproblema.

Ngunit tiniyak naman ng opisyal na hindi masasayang ang boto na nasa loob ng naturang mga SD Cards.

Samantala, una na ring naiproklama ng Comelec ang ama ni Villafuerte na si Cong. Lray Villafuerte bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Tinalo nito ang kapatid ni Andaya na si Maribel Andaya-Eusebio sa mahigit 3,000 na boto.