-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nangangamba na ang ilang grupo ng mga guro sa posibleng congestion ng mga estudyante sakaling itigil na ang implementasyon ng Kto12 program.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Benjo Basas ang Chairman ng Teachers’ Dignity Coalition, ngayon na tatanggalin na ang Kto12 program sa mga state at local college and universities, mas marami na ang mga estudyanteng magtatapos at papasok sa kolehiyo sa susunod na school year.

Posibleng magpalala umano ito sa congestion sa mga kolehiyo dahil sa dami ng mga mag-ienroll na mag-aaral.

Nangangamba rin ang grupo para sa mga guro na posibleng mawalan ng trabaho ngayong tatanggalin na ang Kto12 program.

Panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition na bago pa man tanggalin ang programa, pagplanohan na muna ng gobyerno kung ano ang mangyayari sa mga maapektohang guro at estudyante.