-- Advertisements --
image 390

Iniulat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ang congestion rate sa mga piitan sa bansa ay nabawasan na sa 370%.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, kung matatandaan na mula 2018 umabot sa 600% ang congestion rate.

Para matugunan ang cogestion o siksikan ng mga preso sa mga piitan, sinabi ng opisyal na tinatrabaho na ng BJMP ang pagtatayo ng mas malaking jail facilites at pagpapalawig pa ng decongestion measures sa pamamagitan ng paralegal assistance at good conduct time allowance (GCTA).

Magugunita na noong Martes, inilunsad ng BJMP ang isang programa na naglalayong dagdagan ang mga library sa piling piitan kasabay ng pagsama na ng reading activities sa rehabilitation program para sa mga person deprived of liberty (PDLs).

Makakatulong ang naturang aktibidad para sa good conduct time allowance ng mga inmate.