-- Advertisements --

Sinimulan ang Democratic Republic of Congo ang kanilang mpox vaccination campaign.

Ayon kay Health Minister Samuel Roger Kamba Mulamba, na sisimulan ito sa Goma City kung saan pumalo na sa mahigit 31,000 katao ang dinapuan ng nasabing virus.

Ipinakalat na nila ang mga magsasagawa ang bakuna kung saan prioridad nila ang mga may edad na.

Sa pagsisimula kasi ng 2024 ay mayroon ng 988 katao ang nasawi at mahigit 30,000 ang naitalang kaso.