-- Advertisements --
Tiniyak ni Congolese President Félix Tshisekedi na kaniyang ibabalik ang pagkontrol ng gobyerno.
Ito ay matapos na mokontrol ng Rwanda-backed M23 rebels ang Goma City at patuloy ang pag-abanse.
Sinabi nito na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para labanan ang tinawag niyang teroristang grupo.
Binatikos din nito ang international community dahil sa kawalan ng action at hindi gumagawa ng anumang hakbang noong hindi pa matindi ang security crisis.
Hinikayat niya ang mamamayan na magsanib puwersa at suportahan ang sundalo nila para mabawi at makontrol ang mga teritoryo.
Maguugnitang aabot sa 500,000 na mga residente ng Congo ang lumikas sa kanilang bahay dahil sa lumalalang kaguluhan.