-- Advertisements --
Hinatulang guilty ng International Criminal Court (ICC) sa war crimes at crimes against humanity ang dating dating rebel leader sa Congo na si Bosco Ntaganda.
Kinasuhan ang 46-anyos na binansagang “Terminator” dahil sa pagsasasgawa nito at ng kanyang mga tagasunod ng nakakasuklam na mga masaker sa mga sibilyan sa Ituri region noong 2002 at 2003.
Napatunayan ng korte na may sala si Ntaganda sa 18 bilang ng mga kasong rape, sexual slavery, at sa paggamit ng mga batang sundalo.
Si Ntaganda ang kauna-unahang indibidwal na napatunayang nagkasala sa sexual slavery ng ICC, at ikaapat na nahatulan ng naturang korte mula nang ito’y binuo noong 2002.
Bibigyan ng 30 araw si Ntaganda upang umapela laban sa naturang hatol. (BBC)