-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Gagawin ngayong araw ang Congregational Prayer ng mga Muslim sa harap ng Bangsamoro Palace ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Cotabato City na pangungunahan ni chief minister at Moro Islasmic Liberation Front (MILF) Chairman Alhaj Murad Ebrahim.

Una rito, nagpaabot ng kanyang pagbati si Ebrahim sa pagtatapos ng Hariraya puasa kasabay ng pagdiriwang ng Eidl Fitr.

Hinimok ni Ebrahim ang lahat na silay suportahan sa mga proyekto at inisyatibo sa bagong tatag na Bangsamoro Government.

Isang Kanduli o pasasalamat ang gagawin pagkatapos ng Congregational prayer sa Bangsamoro Palace.

Samantala sa lungsod ng Cotabato, handa na rin ang mga lugar na pagdarausan ng Congregational Prayer o Sambayan kabilang na rito ang Peoples Palace Ground at ang pinakamalaking Mosque sa buong bansa ang Grand Mosque.

Umapela si Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani Sayadi sa mananampalatayang Islam na gawing matiwasay ang selebrasyon ng Eidl Fitr o pagtatapos ng Holy Month of Ramadan.