-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela ang kampo ni Cagayan de Oro 1st District congressional candidate Carmen Punong Brgy Rainer Joaquin ‘Kikang’ Uy sa Commission on Elections (Comelec) na maging patas.

Kaugnay ito sa petition for disqualification case na inihain ng Comelec-Law Department laban kay Uy dahil sa umano’y nakitaan na paglabag sa ilang probisyon ng Omnibus Election Code.

Sinabi sa Bombo Radyo sa abogado ni Uy na si Atty. Angie Carrasco – Genoso na nagsimula na sila naghanap ng kanilang mga ebedensiya para pasinungalingan ang akusasyon ng ahensiya.

Nag-ugat ang hakbang ng Comelec sa reklamo ni incumbent Cagayan de Oro 1st District Cong. Lordan Suan na sobra ang paglobo ng mga nag-rehistro na gustongg maging botante sa Brgy Carmen gamit ang malawakang pag-isyu ng barangay resident certifications.

Una nang sinabi ni Comelec chairman Atty George Garcia na hindi katanggap-tanggap para sa kanila na si Uy ang nag-isyu ng mga sertipikasyon at siya rin pala ang tumakbo pagka-kongresista laban kay Suan.

Maggunitang nasa higit 21,000 bagong botante ang nadagdag sa nabanggit na barangay kung saan sobra 8,000 rito ay dahil sa pag-isyu ng mga sertipikasyon.