Nag boluntaryong maging resource speakers sina Manila Representative Bienvenido Abante at Sta Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez kasunod ng pagharap sa ika-14th pagdinig ng House Quad Committee ngayong araw si dating Mandaluyong Police Station Chief PCol. Hector Grijaldo.
Si Grijaldo ay naging kontrobersiyal matapos kaniyang akusahan ang dalawang mambabatas ng panggigipit.
Batay sa naging pahayag ni Grijaldo sa pagdinig sa Senado pinilit umano siya nina Abante at Fernandez na magbigay ng testimonya kaugnay sa war on drugs sa ilalim ng Duterte administration.
Una ng nagpahayag ang dalawang kongresista na sila ay mag inhibit sa sandaling magpakita sa komite si Grijaldo.
Gayong mga resource speakers na sina Abante at Fernandez hindi sila ligtas para patawan ng contempt ng Komite sakaling mapatunayang nagsisinungaling ang mga ito.
Nilinaw naman ni Antipolo Representative Romeo Acop na walang pagbabago sa house rules matapos mag boluntaryo na maging resource persons sina Abante at Fernandez dahil kung ano ang kanilang patakaran para sa mga resource speakers ay ganuon din para sa kanila.
Nakiusap naman si Rep. Abante sa komite sakaling siya ay patawan ng contempt kung maari sa kaniyang opisina siya arestuhin.