-- Advertisements --
Idineklara ng gobernador ng Connecticut ang state of emergency matapos ang naganap na malawakang pagbaha.
Dahil sa insidente ay mayroong dalawang katao na ang nasawi.
Ayon kay Gov. Ned Lamont , maraming mga residente na ang nila ang pinalikas.
Itinuturing na isang makasaysayan ang nasabing pagbaha dahil ngayon lamang sila nakaranas ng nasabing sakuna.