Nanguna si UFC star Conor McGregor sa listahan ng Forbes bilang highest paid sports star.
Ito ang unang pagkakataon na nanguna ang Irish mixed martial arts fighter na mayroong kabuuang kita na $180 million.
Karamihang yaman nito ay galing sa kaniyang whiskey brand.
Siya rin ang pangatlong atleta na kumita ng mahigit $70 milyon sa loob ng isang taon kasunod nina Roger Federer at Tiger Woods.
Pumangalawa naman sa listahan ng Forbes si football star Lionel Messi na mayroong yaman na $130 miyon at Cristiano Ronaldo na mayroong yaman $120-M.
Nasa pang-apat na puwesto si NFL quarterback DAk Prescott na may yaman na $107-M at pang lima si NBA superstar LeBron James na may kita na $96.5 milyon haban pang anim si Brazilian footballer Neymar na mayroong $95 milyon.
Pasok naman sa pang-pitong puwesto si Roger Federer na may kabuuang kita na $90 milyon habang si Formula One driver na si Lewis Hamilton ay mayroong $82-M, NFL quarterback Tom Brady na may kita na $76-M at pang-sampung puwesto si NBA star Kevin Durant na mayroong kita na $75-M.