-- Advertisements --

Binasag na ni UFC superstar Conor McGregor ang kanyang katahimikan kaugnay sa umano’y pagkakaaresto sa kanya sa France dahil sa sexual assault.

Ayon sa kinatawan ni McGregor, mariin nitong itinanggi na nasangkot ang dating lightweight champion sa umano’y sexual assault at sexual exhibition sa loob ng isang bar sa isla ng Corsica, France.

“Conor McGregor vigorously denies any accusation of misconduct,” ayon sa tagapagsalita ni McGregor. “He has been interviewed and released.”

Una rito, batay sa statement mula sa Bastia prosecutor’s office: “Following a complaint filed on September 10 in which events that could be classified as attempted sexual assault and sexual exhibition were denounced, Mr. Conor Anthony McGregor was the subject of a hearing by the gendarmerie services, in custody police.”

Noong Hunyo nang magretiro sa UFC si McGregor at kalaunan ay inalok na nito ng kasal ang kanyang long-term girlfriend na si Dee Devlin.

Ito ang ikatlong pagkakataon na tinapos ng 32-anyos na Irish fighter ang kanyang MMA career, ngunit may mga bali-balitang babalik daw ito.

Huling tumapak sa Octagon si McGregor noong Enero kung saan na-knock out nito si Donald Cerrone sa loob ng 40 segundo.