-- Advertisements --

Tuluyan nang ibinasura ng korte sa Los Angeles ang conservatorship ng singer na si Britney Spears.

Ayon kay Los Angeles County Judge Brenda Penny na magiging epektibo agad ang termination ng conservatorship ng 39-anyos na singer.

Nakita ng judge na hindi na kailangan ang capacity declaration sa singer.

Binigyan din ng pagkakataon si John Zabel ang certified public accountant na nangasiwa sa mga yaman ng singer noong Setyembre na manatili sa kapangyarihan para isagawa ang pagplano sa paglipat ng mga assets sa mga trusts ni Spears.

Umabot sa mahigit 14 taon ang conservatorship sa singer kung saan naghain ang ama nito na si James P. Spears sa korte na siya na ang magkontrol sa kaniyang mga yaman at buhay dahil sa dumaranas ang pop star ng problema sa pag-iisip.

Nitong Hunyo ay ibinunyag ng singer na siya sapilitang pinapainom ng mga gamot at birth control device laban sa 69-anyos na ama nito.

Nanawagan pa ito na imbestigahan ang ama at ipakulong siya.

Dahil sa desisyon ng korte ay hindi hahawakan ng ama nito ang nasa $60 milyon na yaman ng singer.